para sa entry na ito, isusulat ko ang mga funny experience ko sa mga nagcarolling sa amin nitong kakatapos lang na pasko.
una: tatay kong kuripot... (hehehe)... tuwing Christmas na lang namin pinagtatawanan ang pagkakuripot ng tatay ko pagdating sa mga namamasko. sa kanya nga natuto ang mga bata kong pamangkin ko sumigaw ng "patawad" sa mga batang kumakanta. minsan naman, pinagdidilatan ng lang niya ang mga bata para hindi na namin marinig kanta. kasi alam ng tatay na kadalasan bibigyan namin ng pera ang mga bata. kawawa...
at eto pa, biruin niyo pati mga kapatid kong seminarista ay binarat ni papa... nagkataon kasi na wala pa ako sa amin (nasa byahe pauwi) nung pumunta sila sa tindahan ng ate ko. kasama ko pa nun ang ate ko na may ari ng tindahan kung saan sila kumanta.. Late pa dumating ang text ng ate kong isa sa akin na kung magkano dapat ibigay... at walang abiso na kakanta pala sila. Ayon tuloy... nabigyan sila ni papa... hahaha... nahiya ako noong una, pero naisip ko hindi naman mahalaga kung magkano ibinigay... mas mahalaga ay nagbigay ng bukal sa loob... nagkataon nga lang na haggang ganon na nga lang ang kayang ng loob ni papa na maibigay... kawawa
ikalawa: ako: natuto na rin akong magsabi ng "patawad"... kasi ang iba ay sobrang kulit... paulit ulit at pabalik balik... naku mauubos ata pera namin sa daming grupong kabataan gabi-gabi nangangaroling... lugi ata yung kita sa tindahan lalo na sa panahon ngayon... kaya pag nagkataon na nasa bahay ako o sa tindahan at may nangaroling bigay kong may pera pero kung wala... patawad... kawawa
Ikatatlo: aliw na aliw ako sa mga batang kumakanta... nakikita ko ang sarili ko noong ako'y bata pa at nangangaroling din... nariyan mga lata ng gatas na ginagawang tambol, tansan na ginagawang ano... nakalimutan ko pangalan... maliit na gitara wala naman sa tono ang tugtog at sympre ang mga lyrics na mali- mali...
1. Jingle bells
jingol bels jingol bels
jingol ol da way
ol was pan in restawran
and a redhors open sley.
2. We wish you a Merry Christmas
We wish you a Merry Christmas (3x)
and a happy new year
Good timing to you
and to all of your friends.
good timing for christmas
and a happy new year!
3. Sa may bahay ang aming bati (di ko alam ang taytol)
Seryosong bata:
Sa may tindahan (kinanta kasi sa tindahan)
ang aming bati
Merry Christmas ng maluwalhati
ang pag ibig ang s'yang naghari
sana araw ay maging pasko lagi...
4.
jingol bels jingol bels
jingol ol da way
ol was pan in restawran
and a redhors open sley.
2. We wish you a Merry Christmas
We wish you a Merry Christmas (3x)
and a happy new year
Good timing to you
and to all of your friends.
good timing for christmas
and a happy new year!
3. Sa may bahay ang aming bati (di ko alam ang taytol)
Seryosong bata:
Sa may tindahan (kinanta kasi sa tindahan)
ang aming bati
Merry Christmas ng maluwalhati
ang pag ibig ang s'yang naghari
sana araw ay maging pasko lagi...
4.